DAGUPAN CITY- Pinaghahandaan na ng mga mamamayan ng Cyprus ang pagsalubong sa bagong taon.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Celerina Ularte, Bombo International News Correspondent sa bansang Cyprus, pinaghahandaan na ng mga mamamayan ng Cyprus ang pagsalubong sa bagong taon.

Aniya, mahilig ang mga tao roon na maghanda ng mga na lamb at baboy bilang kanilang pagkain.

--Ads--

Mayroon din silang inihahandang cake na walang icing ngunit nmay barya sa loob.

Kabilang na rin ang red at white wine sa mga hindi nawawala sa kanilang mga mesa at iba pang mga espesyal na putahe.

Samantala, hindi umano uso ang pagbibigayan ng regalo tuwing Pasko, bagkus ay isinasagawa nila ito tuwing bagong taon.