DAGUPAN CITY- Pinaghahandaan na ng bansang Canada ang isasagawang Snap Election sa kanilang bansa, samantalanag nahaharap pa rin sa hamon ng taripa ang nasabing bansa matapos itong ipataw ni US President Donald Trump.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Ruth Marie Magalong, Bombo International News Correspondent sa bansang Canada, nag-umpisa na ang Campaign Period sa bansang Canada, kung saan magkakaroon ng Snap Election ang nasabing bansa.
Aniya, dahil sa resignation ng kanilang dating Prime Minister na si Justin Trudeau at pagkahalal ng bagong punong ministro ay nagkaroon na ng suspensiyon sa House of Commons.
Isa sa mga naging dahilan kung bakit nagpatawag ang nasabing bagong Prime Minister ng nasabing bansa na si Mark Carney ay upang mabigyan ng tiwala ang mga tao sa pamamagitan ng isang malinis at patas na halalan.
Sa ngayon ay humaharap ang nasabing bansa sa isang hamon ng trade relations kung saan itinuloy na ni US President Donald Trump ang pagpapataw ng taripa.
Dagdag niya, hindi rin mawawala ang ilang political rivalry dahil natural na ito sa mundo ng politika.