Dagupan City – Lumago ang bank lending at domestic liquidity noong Mayo sa kabila ng mataas na interest rates ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa initial na datos na inilabas ng BSP ay lumitaw na ang outstanding loans of universal and commercial banks (U/KBs) ay tumaas ng 10.1 percent year-on-year noong Mayo mula 9.6 percent noong Abril.

Habang ang consumer loans to residents naman noong mayo ay tumaas din ng 25.6 percent mula 25.3 percent noong Abril.

--Ads--

Ang loans for production activities ay lumago naman ng 8.4 percent noong Mayo mula 7.8 percent noong Abril.

Samantala, tumaas din ang domestic liquidity (M3) noong mayo ng 6.5 percent year-on-year sa P17.4 trillion mula 5.6 percent noong Abril.
Ang domestic claims ay tumaas ng 10.7 percent year-on-year noong Mayo sa kapareho sa naunang buwan.

Kaugnay nito, pinanatili ng BSP ang benchmark rate nito sa 16-year high na 6.5 percent sa kanilang huling policy-setting meeting sa layuning mapahupa ang inflation.