Wala ng buhay nang matagpuan ang isang 52 anyos na lalaki sa isang creek sa bayan ng Tayug, Pangasinan.
Base sa impormasyon ay kinilala ang biktima na si Rocky Dugay, 52 anyos, na residente ng Brgy. Agno sa nabanggit na bayan.
Una rito, nakatanggap ng imormasyon ang mga otoridad mula sa isang concerned citizen kung saan isang bangkay ang kanilang natagpuan sa creek partikular na sa may bahagi ng Zone 2, Brgy. Agno.
Isang Marvin Soriano ang nagpunta umano sa lugar upang manghuli lamang sana ng mga palaka subalit nagulat ito nang makita ang katawan ng biktima na noon ay katabi pa ang kanyang bisekleta.
Itinakbo agad ito sa pagamutan subalit ideneklara itong DOA ng doktor.
Inabisuhan naman ng mga otoridad ang kaanak ni Dugay na isailalim ito sa autopsy subalit tumanggi na ang mga ito dahil sila ay naniniwala na walang naganap na foul play sa insidente.