Natagpuan ang bangkay ng isang guest relation officer sa gilid ng ilog sa bayan ng Mangatarem Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Maj. Aurelio Manantan, OIC-Chief of Police ng Mangatarem PNP, sinabi nito na nasa state of decomposition na ang bangkay ng biktimang si Analyn Canonisado 32-anyos, Guest Relation Officer sa isang videoke bar sa Camiling, Tarlac na tubong Pampanga.

Bagama’t hindi na mamukhaan ay positibo aniyang kinilala ng kaanak at manager ang naturang biktima.

--Ads--

Patuloy naman aniya nilang pinaghahanap ang nag-aya palabas ng bar sa biktima na kinilalang si Tococ Barikir Brgy. Kgwd Florante Fortin at kasamahan nito na si Rolando Moreno.