Natagpuan ang duguang bangkay ng isang babae sa loob ng kanilang bahay sa barangay San Jose sa bayan ng San Nicolas.
Kinilala ang biktima na si Maricel Martin, 29 anyos , may live-in-partner at residente sa nasabing lugar.
Nadekubre ang bangkay bandang 3:20 kahapon.
Nagreport sa San Nicolas police station sina Sonny Camiloza at Jomel Panigbatan , parehong residente rin sa lugar hinggil sa pagkakatagpo sa wala ng buhay na biktima sa loob ng kanyang bahay.
Base sa initial Investigation ng mga otoridad, bago nakita ang bangkay, ang isang nagngangalang Jojo Mico , 29 anyos at residente sa lugar ay inutusan ng tiyahin ng biktima na si Eluminada Bibay para tignan ito sa kanyang bahay dahil hindi nila ito nakikita.
Pumunta naman ang nautusang si Jojo Mico sa bahay ng biktima.
Kinatok pa niya at tinatawag pero nang walang sumasagot ay pumasok ito sa bahay at bumulagta sa kanya ang bangkay. May bakas ng dugo sa parte ng ulo partikular sa kanyang noo at may nakita ring mga natuyong dugo sa sahig katabi ang pitcher water pump (poso).
Ang bangkay ay sasailalim sa Post-Mortem Examination at autopsy upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito. Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.