Natagpuang palutang lutang ang bangkay ng isang babae sa Angalacan River sa barangay Embarcadero sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Lea Bautista, 23 anyos at residente sa barangAy Salay sa nasabing bayan.
Huling nakita ang biktima noong Mayo 3 na naglalakad sa kalsada.
--Ads--
Mayroong sakit na epelipsy at mentally challenge ang biktima kayat hinihinlang sinumpong sa kanyang sakit at nahulog sa ilog.
Perop hindi kumbinsido ang kanyang pamilya na aksidente ang nangyari dahil may nakitang sugat sa kanyang ulo.
Nais ng kanyang pamilya na ipa otopsy ang bangkay para malaman ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay.