Natagpuang palutang-lutang ang katawan ng isang 65 anyos na mangingisda sa isang baybayin sa bayan ng Bolinao.
Ang mangingisda ay natukoy na si lolo Jovencio Tugade, 65 anyos, residente ng Brgy. Balingasay sa bayan ng Bolinao.
Sa imbestigasyon, ayon sa mga kamag-anak at kapitbahay ng biktima, pumalot ito dakong alas-8 ng umaga kahapon dala ang kaniyang mga kagamitan sa pangingisda.
Kalaunan, nadiskubre ng 53 anyos na mangingisdang si Ariel Sicat ang katawan ng biktima na palutang-lutang sa baybayin ng Sitio Tinomrong ng Barangay Arnedo malapit sa boundary ng territorial sea water ng Barangay Balingasay at Barangay Arnedo habang nagtatayo ng kaniyang maliit na kubo sa lugar.
Isinugod pa si Tugade sa Rural Health Unit ng Bolinao ngunit idineklarang DOA.
Sa ngayon, inaalam pa ang dahilan ng pagkamatay ng naturamg mangingisda. (With reports of Bombo Everly Rico)