Isang bangkay ng lalaki ang narekober sa barangay Minien West sa bayan ng Sta Barbara, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Enrico Aquijo at residente ng barangay San Antonio, Enrile, Cagayan.

--Ads--

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang biktima ay nailibing sa putikan dulot ng soil erosion o pagragasa ng putik mula sa ginagawang proyekto ng Philippine Communication Network Construction na Fiber Optic Cable.

Ang bangkay ng biktima ay isinailalim sa Post Mortem/Autopsy sa PNP Crime Laboratory sa Urdaneta city.