Natukoy na ang pagkakakilanlan ng bangkay na natagpuan sa bakanteng lote sa may Tanbunpin Street sa Lucao, sa lungsod ng Dagupan matapos positibong kilalanin nito ng kanyang maybahay.


Matatandaang may tama ito sa kanyang leeg at binalot pa ng duct tape ang kanyang buong mukha nang matagpuan ang labi ng biktima.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Christy Oviedo, na asawa ng biktima, kinumpirma nito na ang kanyang mister na si Wilfredo Oviedo o alyas Willy, 47 anyos ang natagpuang bangkay sa bakanteng lote.

--Ads--

Salaysay nito na gabi namamasada ang kanyang asawa ngunit kinabukasan nito ay hindi na ito nahanap.

Inamin naman ng maybahay ng biktima na ang kanyang asawa ay dating ng drug surrender.

Ang nasabing biktima ay tubong barangay Linoc sa bayan ng Binmaley, Pangasinan na namamasada naman sa lungsod ng Dagupan.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Dagupan City PNP, sa posibleng motibo sa pagpatay.