DAGUPAN CITY- Isang nakakakabahalang pangyayari ang pagbanggaan ng isang American Airlines Jet at Military Helicopter sa Ronald Raegan national airport sa Washington, D.C. dahil 3 miles lamang ang layo nito sa White House.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bradford Adkins, Bombo International News Correspondent sa USA, kahina-hinala pa ang pangyayari dahil tila binangga ng Sikorsky UH-60 Black Hawk Helicopter ang PSA Airlines Bombardier CRJ700 jet.
Aniya, kung titignan ang video ay parang dumeretso ang helicopter upang banggaan ito at mga trainees personnel lamang ang sakay nito.
Maliban pa riyan, sumabog sa ere nang magkabanggaan ang mga ito.
Dahil dito ay maraming katanungan ang naglilitawan kaugnay sa insidente at dapat itong mapagtuonan ng pansin ni US President Donald Trump.
Samantala, patuloy ang ginagawang mga operasyon para hanapin ang mga survivors mula sa insidente.