Nagresulta sa pagkakasawi ng isang 35-anyos na lalaki sa lungsod ng Urdaneta ang nangyaring banggaan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng kalsada sa Urdaneta-Asingan Road, Zone 5, Brgy. Nancalobasaan.

Kinilala ang biktima na isang laborer, may asawa at residente sa lungsod.

Minamaneho ng biktima ang isang itim na Euro Sport na motorsiklo na walang plaka nang mangyari ang insidente.

--Ads--

Nakabanggaan nito ang isang itim na Euro 150 motorsiklo na walang plaka, minamaneho ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na tinutukoy bilang vehicle 1.

Ayon sa imbestigasyon, parehong binabagtas ng mga sasakyan ang nasabing lugar sa magkasalungat na direksyon.

Nangyari ang insidente nang kumaliwa ang V2 upang magpakarga sa isang gas station at sumalpok sa paparating na V1.

Kapwa nagtamo ng malubhang pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga driver at dinala sa Urdaneta District Hospital ngunit idineklarang DOA (Dead on Arrival) ang driver ng V2 ng attending physician.

Samantala, ang mga nasirang sasakyan na sangkot ay may hindi pa matukoy na halaga ng pagkukumpuni na dinala sa Urdaneta CPS para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.