Hindi maganda na may dalawang mataas na opisyal ang nagbabangayan sa isang public forum.
Yan ang ibinahagi ni Atty. Michael Henry Yusingco isang political analyst hinggil sa naging sagutan ni Sagip partylist Rep. Rodante Marcoleta at Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela sa pagdinig ng House tri-committee kaugnay ng pahayag na gawa-gawa lamang ang West Philippine Sea.
Aniya na hindi itong magandang tingnan sa ating mga kababayan na nanonood gayundin at hindi maganda sa kaalyado nating bansa.
Ang ganitong display of partisans at disrespectful na pagpapalitan ng salita ay hindi nakatutulong sa totoong problema ng bansa.
Dapat ang administrasyon ay ginagawa ang dapat nitong gawin subalit ang problema ay ang mga mambabatas na binawasan ang pondo para sa pagpapalakas ng ating depensa sa ating nasasakupang karagatan.
Higit dito ay dapat ating panindigan ang ating claim na nakaangkla sa international law at ang ganitong alitan ng dalawang opisyal ay hindi naayon o angkop na nakikita sa isang public forum.