DAGUPAN CITY- Nagbigay ng babala ang BAN Toxins sa publiko ukol sa pagbili ng mga Holloween costumes at decorations na maaaring mayroong sangkap ng mga nakalalasong kemikal ngayong nalalapit na Undas o All Saints’ Day at All Souls’ Day.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Mr. Thony Dizon, isang campainger ng BAN Toxins, sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at abot-kaya pa rin ng mga Pilipino ang pagbili ng mga laruan at iba pang mga kagamitan para sa Holloween. Kaya’t dapat ay maging doble ingat sa mga binibili at suriing mabuti.
Aniya, dapat maging maingat ang mga magulang sa mga posibleng epekto ng kemikal na maaaring matagpuan sa mga binebentang Holloween costumes at mga laruan sa mga pamilihan, kung saan ang ilan sa mga ito ay maaaring mayroong sangkap ng mga nakalalasong kemikal tulad ng lead at iba pang mga kemikal na maaring magdulot ng kanser at iba pang mga sakit.
Dagdag nito, bukod sa nakatatakot na hitsura ng mga produkto, dapat ding maging maingat sa mga katakot-takot na posibleng epekto nito sa kalusugan ng mga bata.
Sa market monitoring, bumili ang BAN Toxics ng anim na Halloween mask at sinuri ang mga ito gamit ang chemical analyzer, at natuklasan na ang mga maskara ay naglalaman ng nakalalasong lead na umabot sa 1,130 parts per million (ppm) at cadmium na umabot naman sa 160 pp.