BOMBO DAGUPAN – Tinanggal na ng Department of Agriculture (DA) ang ban sa pag-aangkat ng domestic, wild birds, at poultry products mula sa states ng California at South Dakota sa US.
Ang pag-aalis ng importation ban ay ipinag-utos makaraang hindi mag-report ang dalawang estado sa Amerika ng anumang bagong outbreak ng avian influenza magmula noong Hunyo at Mayo ngayong taon.
Matatatandaan na ang temporary ban sa birds at poultry products mula California ay ipinatupad noong Enero, habang sa South Dakota ay noong Nobyembre ng nakaraang taon.
Kasunod ito ng kumpirmasyon ng DA ang outbreaks ng H5N1 subtype ng Highly Pathogenic Avian Influenza, na kumitil sa milyon-milyong infected birds at poultry.
Ang bird flu ay nakaaapekto sa ilang mammals, kabilang ang tao.
Sa datos ng DA, ang poultry sector ay lumago ng 2% sa first half ng taon, kung saan ang chicken production ang driver.
Ang Central Luzon ang may pinakamataas na inventory na 33.68 million birds, sumunod ang Calabarzon na may 27.32 million, at Northern Mindanao na may 25.87 million.