May tinitignan ng motibo ang Balungao PNP sa pamamaril sa isang lalaki sa barangay San Aurelio Ist sa bayan ng Balungao, Pangasinan.

Ayon kay Police Lt. Benedict Espinoza, chief of police ng Balungao PNP sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kinilala ang biktima na si Rolando Ebreo alias Boy, 58 taong gulang, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Base umano sa salaysay ng anak mismo ng biktima, gumagawa ng kulungan ng manok ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang huminto ang kulay itim na motorsiklo sakay ang hindi pa nakikilang suspek na nakasuot ng kulay itim na jacket at agad na pinaputukan ang biktima ng ilang beses.

--Ads--
Police Lt. Benedict Espinoza, chief of police- Balungao PNP

Agad na pinagbigay alam sa kapulisan kaya naman rumisponde ang mga PNP personnel ng Balungao PS kasabay ng pagbibigay abiso sa ibang PNP station upang magsagawa ng dragnet operation.

Pero mabilis na nakatakas ang suspek.

Ayon kay Espinoza, nakausap na nila ang pamilya ng biktima at may mga nalaman sila na puwedeng gamitin sa imbestigasyon.

Lumalabas sa imbestigasyon na bago siya napatay ay may nangyari sa nakalipas na nagkaroon ng komprontasyon sa barangay dahil ang biktima at kanyang anak ay pinaghhinalaan na magnanakaw ng kambing.

Wala umanong magandang resulta ng komprontasyon sa barangay.

Police Lt. Benedict Espinoza, chief of police – Balungao PNP