Dagupan City – Para rin sa kapakanan ng bansa ang ginagawang Balikatan drills ng Pilipinas, Estados Unidos, at France sa West Philippine Sea.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst sinabi nito na daan ang balikatan upang magkaroon ng maayos at matatag na maritime defense security ang Pilipinas.
Aniya, isa ito sa hakbang ng pamahalaan upang palaguhin pa ang maritime defense capability na pakatakdang pakikinabangan naman ng hanay ng mga sundalo, sailors at iba pang pwersa ng Philippine navy.
Binigyang diin naman ni Yusingco na hindi dapat makipanig ang Pilipinas sa nangayari sa pagitan ng China at Amerika, dahil labas at hindi konetkado ang Pilipinas sa nangyayari sa pagitan ng dalawang bansa.