Sa patuloy na pag-usbong ng mga alternatibong lifestyle choices pagdating sa kalusugan, muling napag-uusapan ang vegetarian diet.
Ayon kay Dr. Glenn Soriano, isang US-based doctor at natural medicine advocate, ang pagiging vegetarian ay may mga malinaw na benepisyo, ngunit kaakibat din nito ang ilang panganib lalo na kung hindi ito maayos na pinaplano.
Aniya, mahalagang maunawaan na maraming klase ng vegetarian diet.
Isa sa mga pangunahing benepisyo ng vegetarian diet ay ang mababang cholesterol at mataas na fiber content ng mga gulay, na makatutulong sa pagpapababa ng risk ng mga sakit tulad ng hypertension at diabetes.
Ayon kay Dr. Soriano, ang mga gulay ay may taglay na nutrients na tumutulong sa pagpapalakas ng immune system.
Bukod dito, isa rin sa mga socio-economic factors kung bakit pinipili ng ilan ang pagiging vegetarian ay ang mas mababang presyo ng gulay kumpara sa karne sa ilang lugar.
Gayunpaman, binalaan din ni Dr. Soriano ang publiko sa mga posibleng disadvantage ng biglaang pag-shift sa vegetarian diet, lalo na kung hindi ito guided ng nutritionist o doktor.
Isa sa mga pangunahing concern ay ang protein deficiency.
Mas mataas ang kalidad ng protinang nanggagaling sa karne, kapag hindi sapat ang protina sa katawan, maapektuhan ang immune system at energy level ng isang tao.
Bukod sa protina, posibleng maging kulang din ang katawan sa Vitamin D, Calcium, at Iron na bagama’t mayroon sa gulay, ay maaaring hindi sapat ang dami kung hindi maayos ang food planning.
Ayon pa sakanya, hindi masama ang pagiging vegetarian, lalo na kung ito ay well-researched at guided. Ngunit paalala niya, mas mahalaga pa rin ang balanced diet.