Nagsilbing evacuation center ang bahay sa San Luis, Batangas ni pol lt.col Mary Crystal Peralta, ang tagapagsalita ng PNP region 1.
Sa panayam ng bombo Radyo Dagupan kay Peralta, sinabi nitong sa kasalukuyan ay mayroong 69 na indibidual ang kinupkop nila sa kanilang bahay sa Batangas.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Peralta ang mga ibat ibang sektor at mga mamamayan sa region 1 na nagpaabot ng tulong o donasyon na dinala ng mga pulis para sa mga evacuees.
Nasaksihan daw niya ang pagtutulongan ng bawat Pilipino.Kung matatandaan naghatid ng tulong ang PNP Pangasinan sa mga nasalanta ng pagsabog ng bulkang taal.
Samantala, nanawagan pa ang opisyal ng karagdagang tulong para sa mga evacuees. Maaring dalhin ang mga donasyon sa Public Information office o Police Regional Office 1 sa La union.