Mga kabombo ano ang mararamdaman niyo kapag bumungad sa iyo ang daan daang hayop na nagugutom?

Isang babae sa Washington, USA na nag-aalaga ng mga raccoon malapit sa kanyang tahanan sa loob ng 35 taon ang tumawag sa mga awtoridad nang makita niyang napapaligiran siya ng halos 100 sa mga hayop na ito.

Sinabi ng babae mula sa Poulsbo sa mga deputy ng Kitsap County Sheriff’s Office na nagbibigay siya ng pagkain sa mga raccoon malapit sa kanyang bahay sa loob ng humigit-kumulang 35 taon.coon

--Ads--

Mga anim na linggo na ang nakararaan ay biglang dumami umanio ang mga hayop sa kanyang property.
Sinabi ng babae na madalas siyang napapaligiran ng mga raccoon araw at gabi na humihingi ng pagkain

Pinayuhan naman ng mga otoridad ang nasabing babae na makipag-ugnayan sa Washington State Department of Fish and Wildlife, na nagbigay sa kanya ng kontak sa mga lokal na operator ng wildlife control upang alisin ang mga raccoon.

Ayon sa Department of Fish and Wildlife, ang pagpapakain sa mga raccoon ay maaaring lumikha ng hindi kanais-nais na sitwasyon.

Ang mga raccoon na pinapakain ng tao ay madalas na nawawalan ng takot sa mga tao at maaaring maging agresibo kapag hindi sila napakain.