DAGUPAN CITY- Sumiklab ang sunog sa Sitio Kakabit, Barangay San Vicente, San Jacinto, kamakailan lamang.

‎Ayon kay SFO1 Sonny Torallba, Chief Operation ng San Jacinto BFP nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente bandang 12:30 ng umaga na agad nilang nirespondehan.

Pagdating sa lugar, tumambad sakanila ang bahay na noon ay nilalamon na ng apoy, nagsimula umano ito sa ikalawang palapag at mabilis na kumalat hanggang sa tuluyang matupok ang buong estruktura.

Agad na inalerto ang Bureau of Fire Protection (BFP) San Jacinto na siyang rumesponde upang apulahin ang apoy. Ayon sa paunang imbestigasyon, unang alarma lamang ang iniakyat sa insidente at tinatayang aabot sa P80,000 ang halaga ng nasira sa naturang bahay.

Tumagal naman ng higit 20 minuto ang pag apula ng apoy kung saan Idineklara ng mga bumbero na “fire out” bandang 12:50 ng madaling araw.

Sa kabutihang palad, walang nasugatan o nasawi sa insidente. Patuloy pa ring inaalam ng BFP ang sanhi ng sunog.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang puno’t dulo ng insidente.