DAGUPAN CITY– Pinaulanan ng bala ang bahay ng umanoy kabo ng jueteng sa bayan ng Alcala Pangasinan.

Mahigit 50 basyo ng bala ng M16 armalite riffle ang narekober ng pulisya sa bahay ng hindi na pinangalanang biktima.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, nasa loob ng bahay ang pamilya nang isagawa ng mga suspek ang kremin pasado ala 11 ng gabi.

--Ads--

Wala namang nasaktan sa insidente.

Samantala, inaalam na ng pulisya ang tunay motibo ng pamamaril at sino ang mga salarin.