Dagupan City – Pahirapang madaanan kanina ang bahagi ng kalsada sa Mayombo- MH Del Pilar sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Rexon De Vera, Deputy Chief, Public and Order Safety Office -Dagupan City dahil ito sa tubig na nastock sa tubig mula sa Calasiao-Caranglaan papunta sa town City proper.

Kaya’t isa sa kanilang isinasagawang alternatibang ruta ay ang kahabaan ng Mangin Road palabas ng Tambac-Bolosan Road.

--Ads--

Nag-umpisa ang trapiko kaninang ala-7 ng umaga at natapos rin alas-10 ng umaga.

Inabisuhan na rin ang mga light vehicle na huwag munang dumaan dahil paniguradong hindi kakayanin ng mga ito ang lumusong.

Paalala naman nito sa mga dadaan sa nasabing bahagi na sumunod na lang sa mga alternatibong daanan na sinasabi ng mga traffic enforcers sa lungsod.

Ayon naman sa Jeepney Driver na si Deric Aquino dahil sa trapiko ay humihina rin ang kanilang kita lalo na’t bumagal ang kanilang pasada.