Inaasahang magiging super typhoon ang bagyong “Tino” sa mga susunod na araw

Sa kabila ng pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility (PAR), mahihinang pag-ulan pa lamang ang mararanasan sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Gener Quitlong, weather forecaster ng PAGASA, kakapasok pa lamang ng bagyo sa bansa kaya wala pa itong direktang epekto sa kalakhang bahagi ng Pilipinas.

--Ads--

Dagdag pa niya, bagama’t hindi pa gaanong nararamdaman sa Pangasinan, maaaring makaranas ng malakas na ulan at hangin ang lalawigan sakaling magkaroon ng thunderstorm.

Inaasahan na bukas ng umaga ay mararamdaman ang pag-alon sa karagatan sa bahagi ng Eastern Visayas.

Samantala, sa Nobyembre 3, inaasahang magsisimula nang makaapekto ang bagyo sa ilang bahagi ng bansa. Posible ring maglabas ng warning signal ang PAGASA, lalo na sa mga lugar sa Visayas na direktang dadaanan ng bagyo.