Patuloy na lumalakas ang Bagyong Nando habang ito ay kumikilos pa-northwest sa bahagi ng Philippine Sea.
Ang sentro ng mata ng bagyo ay tinatayang nasa layong 770 kilometro silangan ng Echague, Isabela.
Taglay nito ang pinakamalalakas na hangin na umaabot sa 140 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong hangin na hanggang 170 kilometro kada oras.
Kumikilos ito pa-northwest sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Itinaas na ang Signal No. 1 sa mga lugar kabilang ang Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, at ilang bahagi ng Nueva Vizcaya, Aurora, Catanduanes, at Cordillera.
Pinag-iingat ang mga residente sa mga nabanggit na lugar sa posibleng epekto ng malalakas na ulan, hangin, at pagtaas ng alon.
Patuloy na binabantayan ng mga awtoridad ang galaw ng bagyo upang makapagbigay ng agarang babala at gabay sa publiko.