Dagupan City – Nagtala ng landslide ang bagyong Julian sa dal-lipaoen La Union.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Adreanne Pagsolingan, Public Information Officer ng Office of the Civil Defense Region 1, ito’y nangyari dahil sa malakas na bugso ng hangin at pag-ulan na dala ng bagyong Julian.
Bagama’t isinagawa na ang clearing operation at monitoring sa nasabing bahagi, ay nanatili pa rin aniyang hindi ito passabale, kasama na rin ang daanan sa Gregorio del Pilar at Sigay salcedo Road sa Ilocos Sur.
Samantala, nakataas na ang Red Warning sa Ilocos Norte, Orange Warning sa sa Ilocos Sur, Yellow Warning sa La Union, at nakakaranas naman ng moderate to heavy rain pa rin ang lalawigan ng Pangasinan.
Dahil dito, ani Pagsolingan ay inaasahan pa sa buong rehiyon 1 ang malalakas na pag-ulan at bugso ng hangin.
Hinggil naman sa dam monitoring sa rehiyon, nag-overflow na ang Buaya dam sa Ilcos Sur.
Bagama’t wala pang naitatalang mga evacuees, nagpaalala naman si Pagsolingan na ugaliing maging alerto at umantabay sa lagay ng panahon upang makaiwas sa anumang banta ng bagyo.
Sa kabilang dako, pinayuhan naman nito ang mga mangingisda na huwag munang pumalaot dahil itinaas na rin ang gale warning sa rehiyon.