Dagupan City – Lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong enteng bukas
Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr., Chief Meteorologist ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Dagupan, bagama’t palabas na ito ay patuloy pa ring makakaranas ang ilang bahagi ng bansa ng kala’t kalat na mga pag-ulan.
Sa kabila nito, nanantili naman ang Tropical Strom signal sa bahagi ng Cagayan at Ilocos Sur at Norte.
Bagama’t hindi na kasama an lalawigan ng Pangasinan, nagpaalala pa rin ito sa mga mangingisda partikular sa lalawigan na huwag munang piliting pumalot, dahil sa banta pa rin ng mga malalakas na alon na dulot ng bagyong enteng.
Sa kasalukuyan, patuloy namang binabantayan ng mga ito ang mga low pressure area na posibleng tumama sa bahagi ng northern luzon, ngunit nakatakda ring lumabas agad sa bahagi ng central Pacific Ocean.