BOMBO DAGUPAN – Nakalabas na ng bansa ang bagyong Carina.
Ayon kay Mr. Gener Quitlong – Weather Specialist ng Weather Bureau, bagamat nakalabas na ang mata nito sa Philippine area of Responsibility at tumungo sa Taiwan at inaasahan namang mag landfall sa China ay nakataas pa rin ang tropical cyclone warning signal number 1 sa probinsya ng Batanes.
Ang habagat ang nagpapaulan ngayon sa bansa lalo na sa Ilocos Region.
Inaasahan na sa mga susunod na oras ay tuluyan nang mawala ang warning signal sa Batanes.
Unti unti ay hihina umano ang habagat sa sandaling maglandfall na ito sa China.
Samantala, pinayuhan ni Quitlong na bawal maglayag ang mga mangingisda lalo na sa lugar na may warning signal.
Samantala, kasalukuyan ay nasa red warning ang lalawigan ng Pangasinan ibig sabihin ay nakaranas na ang lugar ng 30 milimeters o mas marami pang bagsak ng ulan at may paparating pang kaulapan na maaring magdala ng ganoong kadaming ulan.