Muling pumasok sa Philippine area of responsibility ang sentro ng bagyong Bising kaninang alas-11 ng gabi, July 6.
Kung saan nakataas na ang signal no. 1 sa Batanes.
Ayon sa weather state bureau, huling namataan ang bagyo sa layong 335 km. sa hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes.
--Ads--
May lakas ito ng hangin na aabot sa 150 kph malapit sa gitna at pagbugso na hanggang 185 kph.
Inaasahang magtutuloy-tuloy ang bagyo papasok sa PAR bago lumabas ulit bukas ng umaga habang binabaybay ang Taiwan.