Dagupan City – Opisyal nang binuksan ngayong araw ang two storey extension building ng Barangay Caranglaan, isang proyektong pinondohan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan.
Ayon kay Barangay Captain Gregorio Claveria Jr., ang proyekto ay nagkakahalaga ng mahigit ₱1.4 milyon at natapos sa loob ng apat na buwan.
Dinaluhan ito nina Mayor Belen T. Fernandez, kasama ang mga konsehal ng lungsod, opisyal ng barangay, at mga residente, ang seremonya ng pagbubukas.
Layunin ng proyekto na mapabuti ang serbisyo publiko at magbigay ng mas malawak na espasyo para sa mga gawain ng barangay kung saan dati, limitado ang espasyo, lalo na tuwing may mga pagdinig o pagpupulong.
Kasama sa mga pinalawak na pasilidad ang session hall, lupon center, at opisina ng punong barangay, na naglalayong magbigay ng mas komportableng espasyo para sa mga residente
Bukod pa rito, mayroon ding children’s park sa labas ng gusali.
Inaasahan na ang bagong extension building ay makakatulong sa pagpapabilis ng mga transaksyon at pagpapalawak ng mga serbisyong pampamayanan.
Ang pagpapasinaya na ito ay nagtatakda ng bagong kabanata para sa Barangay Caranglaan, na nangangako ng mas mahusay at inklusibong pamamahala para sa lahat ng mga residente nito.