Higit na mas ipinagdiriwang ang bagong taon kaysa pasko sa bansang South Korea.
Ayon kay Minkyoung Chae – Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa bagama’t ay laging ipinagdiwang ang pasko na malamig ang panahon doon
kaya’t gusto niya ring masubukang magcelebrate sa mga ibang lugar.
Gayunpaman, ramdam na ang kapaskuhan doon dahil aniya ay may mga christmas decors na sa bawat tahanan at kadalasang silang nagsasagawa ng mga ‘fun activities’ tuwing sumasapit ang ganitong selebrasyon.
Kaugnay naman sa gift giving ay may ganito ring nakasanayan ang mga South Koreans kung saan isa sa kaniyang mga ibinigay noong nakaraang taon ay photobook ng isang japanase anime.
Kadalasan naman silang naghahanda ng pasta tuwing pasko habang traditional korean foods naman kapag bagong taon.
Mahalaga din sa kanila ang pagsasama-sama ng pamilya sa pagdiriwang ng nasabing selebrasyon at nagsisimula namang maramdaman ang pasko pagsapit ng buwan ng Nobyembre doon dahil sa mga carol songs.