BOMBO DAGUPAN – Binuksan kahapon ang bagong Super Health Center sa brgy. Cayanga, bayan ng San Fabian.

Pinangunahan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, Chairperson ng Senate Committee on Health at tumayo bilang guest of honor at speaker ang blessing at inauguration ceremony ng nasabing Health Center.

Ang pagtatayo ng Super Health Center na ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatiba ng senador upang mapalawak ang access sa serbisyong medikal, lalo na sa mga malalayong lugar.

--Ads--

Suportado ng DOH, mga lokal na opisyal, at ng iba pang mambabatas, layunin ng proyekto na mapalapit ang mga serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipinong nangangailangan.

Matapos ang inaugurasyon ng Super Health Center, pinangunahan din ni Go ang pagkakaloob ng tulong para sa 1,000 displaced workers ng bayan, kabilang ang mga barangay health workers, kahit malakas ang ulan.

Sa kanyang pagharap sa publiko, nangako rin si Go na siya ay nakahandang tumulong para sa ikabubuti ng mga kabataan upang malayo sila sa illegal na droga.

Kasama sa aktibidad ang mga lokal na opisyal, kabilang sina Governor Ramon “Mon-mon” Guico III, Vice Governor Mark Lambino, Mayor Marlyn E. Agbayani, Vice Mayor Constante B. Agbayani, Board Members Shiela Baniqued at Noy De Guzman, at mga konsehal ng San Fabian.