Muling naglabas ng SRP o suggested retail price ang Department of Trade and Industry DTI-Pangasinan sa presyo ng basic and prime commodities o presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Marjury Lorezco, Chief Trade and Industry Development Specialist- DTI Pangasinan, may good at bad news sa presyo ng bilihin base na rin sa inilabas nilang bagong SRP sa dalawampu’t anim (26) na brands ngayong buwan ng Mayo.
Aniya, kabilang sa mga produktong hindi mapigilan ang pagtaas ng presyo ay ang mga de latang sardinas, instant noodles, at mga sabon.
Ayon naman kay Lorezco, ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga canned goods ay dahil sa paggalaw ng presyo ng mga raw materials.
Samantala, patuloy na pinapaintindi ng DTI sa publiko na ang kanilang pagmo-monitor sa presyo at supply para masiguro ang presyo ng basic necessities and prime commodities sa mga pamilihan ay nasa ilalim ng itinakdang SRP. with report from Bombo Mariane Esmeralda