Tiniyak ng bagong Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office na isang buwan bago siya italaga dito sa probinsya ay may mga nabuo na siyang plano o hakbang para maging ligtas dito sa probinsya.

Sa pagpapatawag sa kanya ng Sangguniang Panlalawigan, sinabi ni PCOL Rollyfer J. Capoquian, provincial director ng PPO, na ang nasabing mga plano ay kanyang ibinahagi sa mga chief of police ng lalawigan.

Kasama sa kanyang programa ay imaximized ang presensya ng mga police at mas palalakasin pa ang ugnayan ng komunidad at mga pulis.

--Ads--

Magsasagawa rin siya ng dayalogo sa mga coastal town sa lalawigan hindi lamang sa ikalawang distrito kundi sa unang distrito.

Aniya, gagawin niyang buwanan na pakikipagdayalogo sa mga mangingisda at hihikayatin ang mga ito na ireport agad sa kapulisan kung may mangyaring krimen sa kanilang lugar.

Samantala, sinabi ng opisyal na 24/7 na ang task force Baywalk sa Lingayen upang matiyak ang peace and order situation sa lalawigan.

Kasunod ito ng nangyaring pagpaslang sa isang estudyante kamakailan na aniya ay isolated case lamang.