DAGUPAN CITY- Bukod sa paggunita ng Valentines day ngayong buwan ng pebrero isa rin sa ginugunita ngayon ay ang heart health awareness month na ayon sa mga eksperto ay isa sa nangungunang sakit na nakakamatay sa bansa ay pagkakaroon ng sakit sa puso.
Kaya naman upang mas mapangalaan at maagapan ang sakit na ito kaagapay ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) – Regional Office 1 sa pagbibigay suporta sa mga taong nagkakasakit nito sa pamamagitan ng kanilang mga benipisyong pangkalusugan.
Sa isinagawang kapihan sa bagong Pilipinas Ilocos Region ay kanilang ibinahagi ang mga programa at benipisyo na maaring makatulong sa publiko, Ayon kay Philhealth Region 1 Chief, Benefit Administration Section 1 Doc Janette Manaois na mayroon silang bagong philhealth benefits na kung tawagin ay Ischemic heart disease at acute myocardial infarction na nagging epektibo pa noong December 21, 2024 kung saan maraming macocover ang naturang penefits para sa mga mangangailangan at maiibsan ang kanilang gastusin.