Tiniyak ng Bagong Provincial Director ng Pangasinan, na magkakasa ng balasahan sa mga Chief of Police sa lalawigan lalo na ang mga station commander at chief of police na lagpas na ng dalawang taon.

Ayon kay PCOL. Rollyfer Capoquian, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, hindi naman basta basta aalisin ang isang hepe kung magaling naman siya.

Samantala, kanya ring inilatag ang mga program sa Pangasinan PPO.

--Ads--

Hangad niya na ang mga kapulisan ay maging matapat magalang, mabilis ang serisyo at disiplinado

Kanya rin umanong tutukan ang mga pulis na naliligaw nglandas.

Nanawagan din siya sa mga ito na dapat walang kinikilingan ang mga ito sa mga kandidato

Sa usapin naman ng illegal na droga, tiniyak ng bagong PD na tuloy tuloy ang kampanya laban dito.

Iniutos nito sa mga kapulisan na maging mapagbantay sa mga coastal area dahil ang modus ngayon ay binabagsak sa katubigan ang mga kontrabado at kanila itong kukunin.