DAGUPAN CITY – Pinuri ng mga Overseas Filipino Workers si Atty. Patricia Yvonne “P.Y.” Caunan na bagong Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Administrator dahil sa agarang pag aksyon sa problema ng ilang OFWs na nahaharap sa problema sa kinaroroonang bansa.

Ayon kay Alan Tulalian, Bombo International News Correspondent in Trinidad and Tobago, bilang isang OFW advocate ay binabati nila ang bagong administrator dahil sa kagalingan at maagap na aksyon kapag may inilalapit silang OFW na nangangailangan ng tulong.

Inihalimbawa iya ang isang OFW sa Saudi Arabia na tumakas sa kanyang employer at sa kanyang agency dahil gusto nang umuwi ay napadpad sa international airport sa Riyadh.

--Ads--

Nang maireport sa OWWA ay wala pang tatlong oras ay narescue na agad ang nasabing OFW at sa loob lamang ng 10 araw ay napauwi na siya sa Pilipinas.

Matatandaan si Atty. Caunan ang itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang kapalit ni Arnell Ignacio na ipinagharap ng kaso kaugnay ng isang ₱1.4‑bilyong land acquisition deal na hindi naaprubahan ng Board ng ahensya .