Matapos tuluyang pabagsakin ng US ang spy balloon mula sa bansang China noong nakaraang Linggo, isang bagong mystery object naman ngayon ang namataan sa isang probinsya sa Canada.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Ruth Marie Magalong, nagkaroon ng ugnayan ang Canada at US kung saan pinahintulutan ng Canada ang naturang bansa na pabagsakin ang mystery object.

Aniya, iisa ang naging hinaing ng dalawang bansa kung saan pakiramdam umano ng mga ito ay nalabag ang kanilang aero space policy dahil sa pangte-tresspass ng bansang China.

--Ads--

Agad naman umanong nagsagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad ng Canada ukol sa naturang bagay at tulad ng naging pahayag ng US, pangangalap ng impormasyon ang kanilang hinalang intensyon ng katunggaling bansa kung bakit nagpalipad ito ng spy balloon.

Dagdag pa ni Magalong na kasalukuyan pa ring tinutukoy kung sinong mga indibidwal ang nasa likod ng pagpapalipad ng balloon, bakit nila ito ginagawa at kung ano ang mga materyales na kanilang ginamit sa pagbuo ng naturang object.

TINIG NI RUTH MARIE MAGALONG