Dagupan City – Pinasinayahan ng lokal na pamahalaan ng Sison ang karagdagang bagong multi-purpose covered court/evacuation center na inialay sa mga residente ng Sitio Ubbog sa Barangay Inmalog.

Nagpapakita ito ng simbolo ng pagkakaisa ng pamayanan dahil sa magandang layuning makatulong sa komunidad upang magamit sa anumang events o pansamantalang tuluyan kapag may kalamidad na maaring maranasan.

Ipinatayo ang nasabing pasilidad sa tulong ng pondo ng lokal na pamahalaan ng Sison.

--Ads--

Ang pagtatayo ng nasabing proyekto ay naging posible dahil sa pagbabahagi ng lupa ng mga bukas palad na residente.

Malaki ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan sa kanilang walang sawang pagsuporta sa layuning magbigay ng serbisyong first-class sa mga mamamayan ng Sison.

Ang bagong pasilidad ay inaasahang magiging kapaki-pakinabang hindi lamang bilang isang lugar para sa mga palakasan at iba pang mga aktibidad, kundi pati na rin bilang isang ligtas na evacuation center sa panahon ng mga sakuna.