Pinangasiwaan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang panunumpa ng bagong miyembro ng Kamara na si Akbayan Citizens Action Party-list Representatives Percival Cendaña.

Dinaluhan naman ito ng kanyang pamilya at mga kaibigan na si dating Representative Loreta “Etta” Rosales, na dating kinatawan at chairperson ng Akbayan.

Ang Akbayan ay napabilang sa mga nanalo noong 2022 party-list elections makaraang malaglag ng tuluyan ang An Waray Party-list.

--Ads--

Kung saan si Cendaña ang nagsilbing Commissioner ng National Youth Commission mula 2011 hanggang 2016 at naging pangulo naman ng Babaylanes Inc. na isang Non-Government Organization sa University of the Philippines.

Dito nagsilbi ang bagong itinalaga bilang Student Council Chairperson sa UP Diliman noong 1997 at chief of staff ni dating Akbayan Representative Arlene “Kaka” Bag-ao, na naging gobernador ng Dinagat Islands.

Samantala, nakatakda naman itong umupo sa Kamara hanggang June 30, 2025.