Naantala ang pagpapalabas ng bagong Korean drama na Knock-Off, na pinagbibidahan ni Kim Soo Hyun, dahil sa patuloy na kontrobersiya na kinahaharap ng aktor matapos ang isyu tungkol sa kanyang nakaraang relasyon kay Kim Sae Ron, ang yumaong aktres.
Ayon sa Korea JoongAng Daily, sinabi ng Walt Disney Company Korea, matapos ang maingat na pag-iisip, ipinagpaliban muna ang pagpapalabas ng Knock-Off, na kasama rin si Cho Bo-ah sa cast.
Ang Knock-Off ay nakatakdang ipalabas noong Abril at ito sana ang susunod na proyekto ni Kim Soo Hyun pagkatapos ng matagumpay na Queen of Tears na pinagbidahan nito.
--Ads--