DAGUPAN CITY- Opisyal nang hinalal noong July 15, araw ng martes, sa PESO Office ng Pangasinan Provincial Office ang bagong kinatawan ng Vice Mayor’s League of the Philippines – Pangasinan Chapter.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan Lingayen Vice Mayor Jay Mark Kevin “JM” Dela Cruz Crisostomo, bagong halal sa VMLP-Pangasinan Chapter, kasabay nito ang pagpupulong ng mga bise alkalde sa lalawigan at nagsagawa na rin ng iba pang aktibidad sa Sanggunaing Panlalawigan.
Aniya, sa kanilang initial meeting ay kabilang ang pagtalakay sa kani-kanilang plano at aktibidad sa hinaharap.
Ibinahagi naman ni Crisostomo na ang pinakalayunin ng VMLP-Pangasinan chapter ay organisahin ang bawat bise alkalde ng bawat bayan at pagtugon sa mga kinakailangan ng bawat bayan.
Ito ay upang mas mapagtibay pa ang good governance ng bawat nakaupong opisyal sa mga bayan ng lalawigan.
At bilang bise alklade ng Lingayen, papalakasin pa niya ang public service sa kanilang bayan, partikular na sa pamamahagi ng scholarships sa mga mag-aaral.