Pinasinayaan kamakailan ang bagong gusali na nakalaan para sa mga senior citizens sa isang barangay sa syudad ng San Carlos.
Pinangunahan ng mga kinatawan mula sa lokal na pamahalaan, mga opisyal ng lungsod, tanggapan ng social welfare, at samahan ng mga nakatatanda ang seremonya ng pagbubukas.
Isinagawa ang ribbon-cutting bilang hudyat ng pormal na pagbubukas ng pasilidad.
Layunin ng pagtatayo ng gusaling ito na mas mapabuti ang pagbibigay ng serbisyo at suporta sa mga nakatatanda.
Magsisilbi itong lugar para sa mga aktibidad, konsultasyon, at iba’t ibang programa na makatutugon sa kanilang mga pangangailangan.
Ito rin ay para mas mapabuti ang akses ng mga senior citizens sa mga serbisyong nakalaan para sa kanila.
Inaasahang magbubukas ito ng mas maraming oportunidad para sa mas masiglang pamumuhay ng mga Senior Citizens ng lungsod.