DAGUPAN CITY – Dapat maipatupad ng tama at maayos na maipaalam sa mga commuters ang bagong farematrix na inilabas ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito ang sentemeyento ni Milaño Racraquin Secretary ng Dagupan San Fabian Operators and Drivers Association ukol sa naturang isyu.
Ayon kay Racraquin, ito ay dapat na gawin ng mga driber sa mga pasahero sa bagong implementasyon sa pasahero.
Aniya, para hindi magkaroon ng kalituhan sa dalawang partido, nararapat maipaliwanag ng maayos ang bagong implementasyon na ito.
Ngunit sa parte ng kanilang hanay, kung tutuusin, kulang pa umano ang dagdag pasahe sa mga katulad nilang mga drivers, mahirap umanong i-budget ang kinikita nilang mga lalo na sa katulad nilang sakto lamang ang kita sa pamamasada.
Bukod pa rito, hanggang sa ngayon nasa 10 porsyento lamang sa kanilang asosasyon ang subsidiya na nasa 7,200 pesos noong December 2021 at 6500 pesos naman noong 2022.
Kaya naman hiling naman niya sa mga commuters na magbigay ng konsiderasyon sa sitwasyon lalo na at hanggang sa ngayon ay mataas pa rin ng produktong petrolyo at iba pang mga pangunahing bilihin.