Aprubado na sa Sangguniang Bayan ng Lingayen ang panibagong fare matrix sa mga tricycle at pedicabs.
Ayon kay Vice mayor Judy Vargas Quiocho sa bayan ng Lingayen, nilalaman ng kanilang ordinansa na bagong pamasahe sa tricycle na 20 pesos kada 3 kilometro at 4 pesos sa karagdagang kilometro.
Depensa ng bise alkalde, layunin ng pagpapatupad ng nasabing pamasahe upang hind malugi ang mga pumapasada at hind rin kawawa ang mga sumasakay.
--Ads--
Giit niya na idinaan nila sa facebook ang publiic consultation.Kinailangan nilang madaliin ang pagpasa ng ordinansa para sa proteksyon ng mga pasahero.
Paliwanag niya na may pasahero na sobra kung magbayad sa tricycle at madalas na mag arkila ang mga pasahero ng tricycle.




