Fare hike still not enough -PISTON

Bagamat malaking tulong sa mga driber ng pampublikong sasakyan ang ipinatupad na bagong fare hike o dagdag na pasahe ay hindi pa rin sapat dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Ito ang naging pahayag ni PISTON national president Mody Floranda sa ipinatupad na fare hike sa mga pampublikong transportasyon sa bansa.

--Ads--

Paliwanag nito, hindi pa rin makakatugon sa ibang pangangialangan ng mga driber at operator lalo na ngayon na patuloy ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.

Hindi aniya ramdam ang P1 piso na dagdag mula sa P11 ay naging P12 dahil mistulang binawi naman sa taas presyo ng mga bilihin.

Giit ni Floranda na dapat harapin ng gobyerno ang kalagayan ng iba pang sektor hindi lamang ng mga driber kundi ng mga mangagagawa.

Napapanahon anoyang itaas ang sahod nila para makasabay sa pagtaas ng mga bilihin.
Pero dapat ay makakabuhay na sahod at hindi kakarampot na taas.

Muli niyang kinalampag ang adminstrasyong Marcos na tanggalin na ng gobyerno ang buwis sa produktong petrolyo para bumaba ang presyo ng langis.

Una ng snabi nito na bagama’t malugod na tinatanggap ng kanilang grupo ang mga ayuda, ay hindi naman nito ginagarantiya ang pang matagalang ginhawa dahil sa pabago-bagong presyo ng langis sa gitna ng limitadong pandaigdigang suplay.