Dagupan City – Pormal nang binuksan ang Bagong Evacuation Center sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Pinangunahan naman ito ni Malasiqui Mayor Noel Anthony Geslani.

Ang bagong evacuation center na ito ay matatagpuan sa barangay Lareg-Lareg sa nasabing bayan.

--Ads--

Nakikita naman itong daan upang magamit ng kanilang lokal na pamahalaan sakaling kailanganin ng mga residente ang lumikas lalo na ngayong pumasok na ang panahon ng tag-ulan.

Bukod sa paggamit bilang evacuation center, maari ding magamit ang pasilidad sa mga malakihang pagtitipon sa lugar at iba pang aktibidad sa barangay.