Binuksan ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)ang bagong Satellite Office sa syudad ng Dagupan.

Layunin ng pagbubukas ng opisina na mas mapalapit ang kanilang serbisyo sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) at kanilang mga pamilya

Inaasahan na mas mapabilis at mas maging abot-kamay ang serbisyong may malasakit para sa mga tinaguriang bagong bayani ng bansa.

--Ads--

Pinangunahan ng mga opisyal ng DMW at OWWA ang seremonya bilang bahagi ng kanilang patuloy na inisyatiba na palawakin ang presensya ng Tahanan ng OFW sa mga rehiyon.

Inaasahang makikinabang sa bagong tanggapan ang libo-libong OFW mula sa Pangasinan at mga karatig-probinsya sa pamamagitan ng mas mabilis na proseso ng serbisyo tulad ng dokumentasyon, tulong at suporta, at iba pang programang pang-OFW.

Ang DMW-OWWA Satellite Office sa Dagupan ay isa lamang sa mga planong karagdagang tanggapan ng ahensya sa iba’t ibang panig ng bansa bilang tugon sa lumalaking pangangailangan ng mga OFW at kanilang pamilya.