Dagupan City – Isinagawa ang ribbon cutting, inauguration at blessing ceremony ng bagong child development center sa Don Eusebio Purganan sa lungsod ng Alaminos.
Kasama ang pamahalaang lungsod ng Alaminos sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Arth Bryan C. Celeste kasama ang mga opisyales at mga pangunahaing bisita ay pinasinayaan ang Don Eusebio Purganan Child Development Center kasama ang Rotary Park at SK Playground sa Brgy. Amangbangan sa isang simpleng programa.
Ang Punong Barangay ay nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat kay Mayor Arth Bryan sa pagkakaloob ng isang bagong at modernong Child Development Center. Kasama rin na pinasalamatan ay ang pamilya na nagbigay ng donasyon ng lupa kung saan itinayo ang naturang gusali, pati na rin ang kaakit-akit na playground at mini park para sa mga mag-aaral at mga magulang.
Ito ay isang malaking tulong sa komunidad at nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit ng mga opisyal sa kanilang nasasakupan.