Nagsagawa ng libreng medical mission ang Bagong Bayani Hong Kong Sandigan Eagles Club para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marlon “Pantat” De Guzman – Bombo International News Correspondent sa Hongkong isa ito sa buwanang adbokasiya ng grupo na layong tumulong sa kalusugan ng mga kababayan sa pamamagitan ng simpleng paraan.

Bagamat limitado ang oras ng mga OFW, higit sa 50 ang dumalo at nagpa-check up sa naturang aktibidad. Dahil dito, medyo mabagal ang pila dahil apat lamang na uri ng pagsusuri ang kinukuha mula sa bawat OFW.

--Ads--

Aniya regular nila itong isinasagawa bilang bahagi ng kanilang community service.

Mayroon din silang mga group chats at social media pages kung saan ipinopost ang mga aktibidad upang maging aware ang mga kababayan.

Ang mga pagsusuri naman na ito ay ibinibigay base sa “first come, first serve” at voluntary na proseso.